Bagyong Ramon lumakas
MANILA, Philippines – Lumakas pa ang bagyong Ramon na kumikilos sa west northwest na direksyon sa bilis na 10 kilometers per hour.
Taglay ni Ramon ang lakas ng hangin na 65 kph at may bugso na aabot sa 80 kph.
Bunga nito, nakataas ang signal number 2 sa Catanduanes habang signal number 1 sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Eastern Samar at Northern Samar.
Huling namataan ang naturang bagyo alas-4:00 ng hapon kahapon sa layong 390 km silangan ng Catarman, Eastern Samar.
Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa darating na Sabado, Nobyembre 16, sa bahagi ng Isabela at Aurora.
- Latest