Sinabi rin ni Go na hindi tumitigil sa kanyang “official functions” ang Pangulo at ayaw nitong magpahinga.
Handout photo from former presidential aide Christopher Go.
‘Digong in good shape’ - Go
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2019 - 12:00am

Tuloy ang trabaho sa Davao City

MANILA, Philippines – Tiniyak kahapon ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na maayos ang kalagayan ni Pangulong Duterte at tuloy pa rin ang pagta-trabaho nito kahit nasa Davao City.

Sinabi rin ni Go na hindi tumitigil sa kanyang “official functions” ang Pangulo at ayaw nitong magpahinga.

“Ok po ang Pangulo. Sa totoo lang, hindi po napapansin noon na, in a month, meron talaga siyang Mindanao leg na ginagawa. Isang linggo siya doon, nag-ikot sa Jolo, sa mga kampo. Binisita niya ang mga sugatan na sundalo. Hindi niyo alam, naroon siya, nagtatrabaho,” sabi ni Go.

“Sa totoo lang, ayaw ni Pangulo na nagpapahinga kahit ina-advise siya ng doktor. ‘Di siya makatagal sa bahay. Gusto n’ya magtrabaho. Bahay n’ya sa Davao, doon ang comfort zone n’ya. Doon siya nakakapagpahinga at nagtatrabaho. But, rest assured, he is ok,” dagdag ni Go.

Mananatili sa Davao ang Pangulo hanggang ngayong araw (Huwebes) pero naka-schedule na makipag-usap sa mga magsasaka sa North Cotabato sa Biyernes.

 

BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with