^

Bansa

Probe sa power firm pinamamadali

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan kahapon sina Iloilo City Rep. Julienne Baronda at PBA partylist Rep. Koko Nog­rales sa Energy Regulatory Commission na madaliin ang imbestigasyon sa mga reklamo laban sa Panay Electric Company (PECO).

Kasabay nito, kinatigan ni Baronda ang paghahain ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas sa Malakanyang ng reklamo laban sa PECO dahil nakasalalay dito ang kaligtasan ng may 65,000 electric consumer.

Ayon kay Baronda, napilitan na si Treñas na ipaabot sa Malacañang ang kalbaryo ng mga residente upang agad ma­atasan ang Energy Regulatory Commisison (ERC) na umaksyon.

Nangangamba ang alkalde na kung hindi agad na maaksyunan ng ERC ang reklamo ay maaaring maulit pa ang naganap na magkakasunod na siyam na sunog sa mga electric poles ng PECO sa pagitan ng Oktubre 19 hanggang 21 na maaaring may mga kabahayan ang nada­may kung hindi naging maagap sa pagpuksa ng apoy ang Bureau of Fire Protection (BFP).

Daan daang mga consumers ang nanga­ngamba sa kanilang kaligtasan sa paggamit nila ng kuryente na supply ng PECO na anumang sandali ay maaring magkaroon ng aberya at ang kinatatakutan ay pagmulan pa ng sunog.

Tiniyak nina Baronda at Nograles na sinusu­baybayan ng Kamara ang isinagawang im­bestigasyon ng ERC.

Ani Nograles, dapat na tugunan ng ERC ang reklamo laban sa PECO bilang siyang may hurisdiksyon sa electric coo­perative. Hindi anya dapat na patagalin ng ahensya ang imbestigasyon lalo at nakasalalay ang kaligtasan ng mga residente.

vuukle comment

POWER FIRM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with