"Kapag signal number 2 po, suspended na ang mga klase sa mga pre-school at maging sa elementary," ayon kay Benison Estareja, weather specialist ng PAGASA.
Released/PAGASA
Signal No. 2 itinaas sa Catanduanes sa patuloy na hagupit ni 'Ramon'
James Relativo (Philstar.com) - November 13, 2019 - 5:50pm

MANILA, Philippines — Bagama't napanatili ng Tropical Storm Ramon ang lakas nito, itinaas naman ang tropical cyclone wind signal na nakaaapekto sa isang isla ng Kabikulan, Miyerkules ng hapon.

Sa 5:00 p.m. bulletin ng weather bureau, sinabi na kasalukuyang nakataas ang Signal Number 2 sa probinsya ng Catanduanes.

"Kapag Signal Number 2 po, suspended na ang mga klase sa mga pre-school at maging sa elementary," ayon kay Benison Estareja, weather specialist ng PAGASA.

Samantala, Signal Number 1 naman sa:

  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Albay
  • Sorsogon
  • Eastern Samar
  • Northern Samar

Natagpuan ang sentro ng sama ng panahon 390 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar bandang alas-kwatro ng kapon.

May taglay itong hanin na aabot ng hanggan 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot ng hanggang 80 kilometro kada oras.

Bumagal naman ang pagkilos nito pakanluran hilagangkanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Posible namang itaas ang signal no. 1 sa Polilio Island sa susunod na bulletin ng PAGASA pagsapit ng alas-onse ng gabi.

Mula ngayon hanggang bukas ng hapon, mahihina hanggang katamtaman na may paminsan-minsan malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa:

  • silangang bahagi ng Cagayan at Isabela
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Catanduanes

Mahihina hanggang katamtaman na may sunud-sunod namang malalakas na pag-ulan ang bubuhos sa:

  • Apayao
  • Aurora
  • Quezon
  • nalalabing bahagi ng Cagayan, Isabela at rehiyon ng Bicol

CATANDUANES PAGASA RAMON TROPICAL STORM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with