^

Bansa

Bagyong 'Ramon' bumilis; ilang bahagi ng Bicol baka magka-signal no. 1

James Relativo - Philstar.com
Bagyong 'Ramon' bumilis; ilang bahagi ng Bicol baka magka-signal no. 1
Sa ngayon, nakataas ang signal number 1 sa probinsya ng Catanduanes, Eastern Samar, at silangang bahagi ng Northern Samar.
Released/Pagasa

MANILA, Philippines — Bahagyang tumulin ang kilos ng Tropical Depression Ramon ngayong araw habang kumikilos pakanluran hilagangkanluran, ayon sa update ng weather bureau alas-singko ng umaga. 

Natagpuan ang bagyo 505 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar bandang alas-kwatro ng madaling araw.

Napanatili nito ang lakas nito kagabi na aabot ng 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at may bugsong 70 kilometro kada oras.

Mula 10 kilometro kada oras patungong kanluran, tinatahak nito ngayon ang track na pa-west northwest sa bilis  na 15 kilometro kada oras.

"Posible po itong tumama patungo sa Hilagang Luzon," ani Meno Mendoza, weather specialist ng PAGASA.

Kung hindi magbabago ang direksyon ng bagyo, maaari itong mag-landfall pagsapit ng Sabado.

Tropical cyclone wind signal

Sa ngayon, nakataas ang signal number 1 sa probinsya ng Catanduanes, Eastern Samar, at silangang bahagi ng Northern Samar.

"Ang mga nasabing mga lugar, sa loob ng susunod na 36 hours, posible po itong makaranas naman ng mga pag-ulan, may mga pagbugso ng hangin," dagdag pa ni Mendoza.

Pinangangambahan na itaas ang signal number 1 sa Camarines Sur, Albay, Sorsogon at nalalabing bahagi ng Northern Samar sa susunod na bulletin pagsapit ng 11 a.m.

Tinataya pa ring lalakas ito at magiging ganap na tropical storm sa susunod na 24 oras.

Inaasahan ang mahihina hanggang katamtaman na paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay and Sorsogon.

Mahihina hanggang katamtaman na may sunud-sunod na malalakas na pag-ulan naman ang maaaring mangyari sa Camarines Norte, Masbate, Northern Samar at Eastern Samar ngayong araw.

vuukle comment

PAGASA

RAMON

TROPICAL DEPRESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with