Una nang kumasa si Robredo sa hamon na sinabing handa siyang sumama sa anti-drug ope­rations upang personal na makita kung paano nag-o-operate ang anti-drug operatives.
Office of the Vice President, file photo
Leni sa drug ops hinarang ng PNP
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Hindi pabor si Philippine National Police Officer-in-Charge Lt. Gen. Archie Gamboa na sumama sa drug operation si Vice President at bagong talagang anti-drug czar Leni Robredo.

 “I know it was practically a new thing to her dahil wala naman siyang exposure dito and of course, there are suggestions nga na huwag siya sumama sa anti-illegal drugs operations”, pahayag ni Gamboa.

Una nang kumasa si Robredo sa hamon  na sinabing handa siyang sumama sa anti-drug ope­rations upang personal na makita kung paano nag-o-operate ang anti-drug operatives.

 Sinabi ni Gamboa na bagaman nais ng Bise Presidente ay delikado ang sumama sa anti-drug operations dahil posibleng malagay sa panganib ang buhay nito.

Idiniin niya na maging ang mga anti-drug operatives ay nagbubuwis ng buhay sa mga operasyon at hindi nais ng PNP ope­ratives na malagay sa peligro ang ikalawang mataas na lider ng bansa.

Iginiit ni Gamboa na maging ang mga matataas na opisyal tulad ng mga heneral ay hindi rin sumasama sa anti-drug operations.

Nang matanong  naman sa maaring maging papel at kapangyarihan ni Robredo bilang anti-drug czar, sinabi ni Gamboa na maari naman itong magpokus sa rehabilitasyon ng mga drug users na sumuko sa  pinaigting na crackdown ng pamahalaan kontra illegal na droga.

“Sa ilalim ng kanyang liderato, inaasahan ng PNP ang ibayong operasyon laban sa bawal na gamot at rehabilitasyon ng mga drug user, at pagtataguyod sa batas,” sabi pa ni Gamboa.

Idiniin ni Gamboa na handa ang PNP sa anumang mga pagbabago sa giyera kontra droga.

 “In any government approach, dapat  dynamic because time changes. Ako personally, I would like to open up options. Kasi we had a drug war which I think is very successful, but if there is a need to recalibrate and maybe touch a few points, study it, then the PNP is open to it,” punto ng opisyal.

 

ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with