Ayon kay Duque, ang kanyang pahayag ay bunsod ng ulat na nagkaroon ng kaso ng dengue na nakahawa dahil umano sa pagtatalik sa Spain.
Stock/Pixabay
Dengue mula sa sex, posible
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Department of Health Secretary  Francisco Duque III na posibleng makuha ang dengue sa pakikipagtalik.

Ayon kay Duque, ang kanyang pahayag ay bunsod ng ulat  na nagkaroon ng kaso ng dengue na nakahawa dahil umano sa pagtatalik sa Spain.

Ipinaliwanag ni Duque na ang dengue virus ay kayang manatili ng 37 araw sa semen habang 23 araw naman sa ihi at dugo.

 “Walang history ng exposure ‘yung Spanish citizen, e. Ang meron lang dengue is the guy who came from Cuba, then nagkaroon siya ng symptoms ng dengue, the Spanish guy, so they tested him positive for dengue,” ani Duque.

Saad ni Duque, maaaring ang kasong nangyari sa Spain ay dahil sa ‘unprotected sex.’ 

Nitong Sabado, naitala sa Espanya ang kauna-unahang kaso ng sexual transmitted dengue disease matapos makipagtalik ng 41-anyos na lalaki sa partner niyang tinamaan din ng naturang sakit.

Gayunman, sinabi ni Duque na kailangan pa rin ang masusing pag aaral upang hindi naman maalarma ang publiko.

DENGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with