Makilala, Cotabato 2 beses nilindol
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Dalawang beses na niyugyog ng malakas na pag­lindol ang Makilala, Cotabato kahapon. Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang unang pagyanig ay nasa 3.0 magnitude at ang sentro nito ay nasa may 013 kilometro ng hilagang silangan ng Makilala bandang alas-12:37 kahapon ng tanghali.

 Umaabot sa 001 kilometro ang lalim ng lupa ng lindol na ito at naramdaman sa lakas na Intensity 2 sa Kidapawan City. Ang isa pang pagyanig sa Makilala ay naitala sa magnitude 3 alas-7:39 ng umaga kahapon sa may 009 kilometro ng timog kanluran ng Makilala. Naramdaman ang lindol na ito sa lakas na  intensity 3 sa Kidapawan City.

EARTHQUAKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with