Sa send-off ceremony para sa Southeast Asian (SEA) Games contingents sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Lorenzana na hihintayin muna niya ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) .
Michael Varcas/File
Lorenzana atubili sa ML extension
Gemma A. Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Atubili si Defense Secretary Delfin Lorenzana na irekomenda ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Sa send-off ceremony para sa Southeast Asian (SEA) Games contingents sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Lorenzana na hihintayin muna niya ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) .

Paliwanag ng Kalihim na depende pa rin sa rekomendasyon ng AFP at PNP ang kanilang rekomendasyon subalit kung siya lang umano ang masusunod ay hindi na niya irerekomenda ang extension dahil masyado nang matagal.

Subalit mas mabuti pa rin umano kung magpapasa ang Kongreso ng mas matapang na Human Security Act para sa law enforcement.

Suportado naman ng AFP ang pahayag ni Lorenzana bagamat ang pinal na desisyon pa rin ni Pangulong Duterte ang masusunod.

DELFIN LORENZANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with