Ito ang paalala kahapon ni House of Representatives Speaker Allan Peter Cayetano na nagsabing dapat munang magtrabaho nang tahimik si Robredo at tutukan ang kampanya laban sa iligal na droga.
The STAR/KJ Rosales
Drug lords nakaabang Robredo manahimik muna
Gemma A. Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dapat umanong manahimik muna ang drug czar na si Vice President Leni Robredo habang ginagawa niya ang kanyang trabaho bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs dahil nakaabang ang mga drug lord.

Ito ang paalala kahapon ni House of Representatives Speaker Allan Peter Cayetano na nagsabing dapat munang magtrabaho nang tahimik si Robredo at tutukan ang kampanya laban sa iligal na droga.

Sinabi ni Cayetano na hindi din dapat nag-aanunsyo ng mga susunod na hakbang tungkol sa operasyon dahil nakaabang ang mga drug lord.

Payo pa ng Speaker sa Bise Presidente, dapat na manahimik muna nang isa o dalawang linggo at pangunahan ang gobyerno laban sa anti-illegal drug campaigns.

“Nagmo-monitor ako sa nagdaang tatlong araw at, parang mula ‘Operation Tokhang’, parang naging Operation All-Talk. Nagulat ako. Baka dahil lang paborito ng media ang Bise Presidente o gusto niya ng media exposure,” puna ng Speaker.

Ayon kay Cayetano, sa halip na mag-“Oplan All Talkhang” at magbigay ng kung ano-anong statement sa media si Robredo, dapat magtrabaho na lamang ito.

Simula umano nang tanggapin ni Robredo ang appointment bilang co-chairperson ng ICAD ay puro pa-interview na lang sa media ang ginagawa nito.

Paliwanag ni Caye­tano, dapat ay private meetings sa kaukulang mga ahensya ang inaatupag ng bise presidente para malaman nito ang pasikot-sikot ng kanyang bagong trabaho.

Subalit wala pa uma­nong briefing sa mga departamento ay kung ano-anong ideya at kritisismo na ang sinasabi nito.

Partikular na sinita ng Speaker si Robredo na pag-upo pa lamang ay sinabing payagan ang United Nations at United States pumunta sa Pilipinas, pupuntahan ang US embassy, hihingi ng tips kay Senador Ping Lacson at i-abolish ang Oplan Tokhang.

DRUG BUST LENI ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with