Ito ang ipinahayag kahapon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagpahiwatig na hindi na matutuloy ang tatlong araw sanang day off ng Pangulo. Hindi na anya ito magli-leave.
Presidential Photo/Richard Madelo
Planong 3 araw na day off hindi tuloy Duterte magpapahinga sa Davao
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magtutungo ngayong gabi si Pangulong Rodrigo Duterte para magpahinga at mag-asikaso ng mga papeles.

Ito ang ipinahayag kahapon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagpahiwatig na hindi na matutuloy ang tatlong araw sanang day off ng Pangulo.  Hindi na anya ito magli-leave.

Naunang ipinahayag ni Panelo na magdi-‘day off’ nang tatlong araw sa linggong ito si Pangulong Rodrigo Duterte para siya makapagpahinga.

Sinabi ni Panelo na, ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, sisimulan ngayong Martes ng Pangulo ang day off nito.

Naunang sinasabi ng Malakanyang na pinayuhan si Duterte ng kanyang duktor na magpahinga at limitahan ang kanyang mga pisikal na aktibidad makaraang magtamo siya ng muscular spasm kasunod ng aksidente niya sa motorsiklo sa loob ng compound ng  Presidential Security Group noong nakaraang buwan.

Sinabi ni Panelo na kailangan ng Pangulo ang pahinga at makatulog nang walong oras dahil sa kanyang mabigat na work schedule mula nang dumalo sa ASEAN summit sa Bangkok Thailand mula October 31 hanggang November 4.

Ayon kay Panelo, sinunod ng Pangulo ang payo ng kanyang mga doktor at kaibigan na kailangang magpahinga muna.

Inihayag ni Panelo na walang malubhang sakit si Pangulong Duterte.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with