Kahapon, batay sa dam monitoring office ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, nakapagtala ng 188.46 meters ng water level ang Angat dam na mas mababa sa 188.55 meters ng water level ng dam noong Biyernes.
KJ Rosales/File
Ulan ni Quiel, walang naitulong na mapataas ang tubig sa mga dam
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang naitulong sa mga dam ang ulan na dinala sa ating bansa ng bagyong Quiel.

Ito ay dahil hanggang kahapon ay patuloy pa rin ang pagbaba ng water level sa mga dam sa bansa lalo na sa Angat dam na pinagkukunan ng 90 percent ng suplay ng tubig ng Metro Manila.

Kahapon, batay sa dam monitoring office ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, nakapagtala ng 188.46 meters ng water level ang Angat dam na mas mababa sa 188.55 meters ng water level ng dam noong Biyernes.

Ang Ipo dam ay nagtala naman ng 100.88 meters ng water level sa dam na mas mababa sa 100.94 meters noong Biyernes gayundin ang La Mesa dam na nakapagtala ng 77.47 meters ng water level ng dam mula sa dating 77.49 meters noong Biyernes.

Bumaba din ang water level sa Ambuklaw dam na umabot na ang water level sa 747.29 meters mula sa 747.36 meters.

Ayon sa PAGASA, walang nakakarating na tubig sa watershed ng naturang mga dam kaya patuloy ang pagbaba ng water level sa mga dam.

Kailangan lamang umano ay magtipid ang lahat sa paggamit ng tubig para may magamit na suplay sa hinaharap laluna sa kalakhang Maynila.

DAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with