Tulunan, Cotabato muling niyanig
November 10, 2019 | 12:00am
MANILA, Philippines — Muling niyanig ng malakas na lindol ang Tulunan, Cotabato kahapong alas-8:07 ng umaga na may magnitude 4.1.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng pagyanig ay naitala sa may 022 kilometro ng timog silangan ng Tulunan.
Ayon sa Phivolcs, umaabot sa 012 kilometro ang lalim ng lupa ng naturang lindol at tectonic ang ugat ng naturang lindol. Wala namang ulat ng damage ang naturang lindol at wala ding inaasahang aftershocks.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Recommended