Sinabi rin ni Chua na layunin ng gobyerno na hikayatin ang mga mamamayan na iwasan ang mga hindi masusustansiyang pagkain.
File
Asin tax ‘di isusulong ng DOF
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Department of Finance (DOF) na hindi isusulong ang panukala ng health department na buwisan ang mga maaalat na pagkain.

Sinabi ni Finance Undersecretary Karl Kedrick Chua na, pinag-aaralan pa lamang ito sa ngayon matapos ilutang ng DOH ang isyu bagaman at wala pang inihahaing panukala.

Nauna rito, ilang senador ang agad na tumutol sa panukalang buwisan ang mga tuyo, daing, at iba pang maaalat na pagkain na kalimitang kinakain ng mga mahihirap na Filipino.

Nilinaw din ni Chua na ang pinag-aaralan sa ngayon ay ang mga pagkain na wala talagang nutritional value.

Ayon pa kay Chua, ang orihinal na panukala noong 2016 ay health package kasama na ang mga hindi masusustansiyang pagkain, sigarilyo, alak, matatamis na inumin at mga junk foods.

Sinabi rin ni Chua na layunin ng gobyerno na hikayatin ang mga mamamayan na iwasan ang mga hindi masusustansiyang pagkain.

“We have a universal health care. But we don’t want to waste it treating preventable disease. Kasi why do we spend money treating these non-communicable disease, so the idea here is, what can we do to prevent? So it is both tax and non-tax,” ani Chua.

TAX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with