Ipinahayag ni Rob­redo ang hangaring ito isang araw bago ang takda niyang briefing sa kapwa niya chair sa ICAD na si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino.
Leni Robredo FB Page
Zero killing sa drug war target ni Leni
(Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isusulong ni Vice President Leni Robredo ang zero killing sa kampanya ng pamahalaan laban sa bawal na gamot makaraang italaga siya ni Pangulong Duterte bilang co-chair ng inter-agency against illegal drugs (ICAD) panel.

Ipinahayag ni Rob­redo ang hangaring ito isang araw bago ang takda niyang briefing sa kapwa niya chair sa ICAD na si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino.

“Wala sa plano natin ang pagpatay kasi wala iyon sa bounds ng rule of law. Iyon ‘yung ating directive,” sabi ng Bise Presidente. “Mara­ming pagkakataon kasi iyong concentration ay nasa maliliit [na drug pushers]. Dapat mas maraming resources at oras para hanapin iyong mga malalaki. Yun ang aking directive. Pero iyong pagpatay, whether malaki o maliit, wala iyon sa usapan,” dagdag ni Robredo.

Hanggang sa kasalukuyan, ayon sa Philippine National Police, umaabot na sa mahigit 5,700 ang opisyal na bilang ng mga drug suspect na napapatay sa nabanggit na kampanya ng administras­yong Duterte. Pero sinasabi ng mga kritiko na umaabot na umano ito sa 20,000.

Sinabi ni Robredo na ang tagumpay ng anti-drug policy ay hindi nakasalalay sa bilang ng napapatay na drug personalities.

“Papalitan natin iyong metrics. Hindi ito nasusukat sa dami ng pinatay. Ang metrics natin, dapat iyong numero ng mga napabuti natin ang buhay,” sabi pa niya.

Takdang magpulong sina Robredo at Aquino ngayong Biyernes sa tanggapan ng una sa Quezon City.

Idiniin din ni Robredo na magpapatuloy ang drug war pero alinsunod sa batas at karapatang pantao.

“’Yung laban sa illegal na droga will con­tinue with the same vi­gor, intensity. Ang iibahin natin ay ‘yung manner by which ginagawa ito,” sabi ni Robredo sa mga reporter sa Tanay, Rizal.

Imbitado rin anya sa naturang pulong nga­yon ang mga ahensiyang nasa ilalim ng ICAD.

Nilinaw naman ni Robredo na ang desis­yon niyang tanggapin ang posisyon ay hindi kunektado sa halalang pampanguluhan sa taong 2022.

“Nadedehado mas­yado ang mga kababayan ‘pag kaming nakaupo tinitingnan na ang 2022, ‘pag inisip ko ‘yung 2022, aakyat ba ako dito sa bundok na konti ang tao?” dagdag ni  Robredo na naglakad nang isang oras at kalahati patungo sa liblib na lugar ng Sitio Macantog para sa pamimigay ng mga solar kits mula sa One Meralco Foundation para sa isang eskuwelahan at 60 bahay.

 

LENI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with