Sabi ni Panelo, ngayong tinanggap na ni Robredo ang pagiging drug czar ay inaasahan umano ng Pa­ngulo na habang nasa frontline ng laban sa iligal na droga, makikita at mapapagtanto ng bise presidente ang mga nangyayari sa ground.
Krizjohn Rosales/FIle
Duterte natuwa sa pagtanggap ni Robredo sa drug czar post
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ikinagalak ni Pangulong Duterte ang pagtanggap ni Vice President Leni Robredo sa alok na maging co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, binanggit ito ng Pangulo sa kanilang Cabinet meeting sa Malacañang.

Hindi naman nakadalo si Robredo sa naturang 43rd meeting.

Sabi ni Panelo, ngayong tinanggap na ni Robredo ang pagiging drug czar ay inaasahan umano ng Pa­ngulo na habang nasa frontline ng laban sa iligal na droga, makikita at mapapagtanto ng bise presidente ang mga nangyayari sa ground.

Dito ay makikita rin umano ni Robredo na hindi kagustuhan at hindi kinukunsinti ng administrasyon ang mga extra-judicial killings sa anti-drug war.

Ito’y resulta na rin umano ng mga bayolenteng reaksiyon ng mga nasa illegal drug trade laban sa mga tumutugis sa kanilang anti-illegal drugs operatives na kailangan din namang protektahan ang kanilang mga sarili. 

DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with