Ayon sa PAGASA, namataan si Quiel sa layong 360 km kanluran hilagang kanluran ng Coron, Palawan tag­lay ang lakas ng hangin na 95 kph at pagbugso na 115 kph.
PAGASA
‘Quiel’ severe tropical storm na
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lumakas pa ang bagyong Quiel na nga­yon ay nasa kategorya na ng severe tropical storm.

Ayon sa PAGASA, namataan si Quiel sa layong 360 km kanluran hilagang kanluran ng Coron, Palawan tag­lay ang lakas ng hangin na 95 kph at pagbugso na 115 kph.

Kumikilos ito nang pa-silangan sa napakabagal na pag-usad.

Ngayong Biyernes makakaranas ng katamtaman na minsa’y mala­kas na pag-ulan sa buong Cagayan kasama na ang Babuyan Islands at Apayao. 

Mahina hanggang sa katamtaman naman hanggang sa malakas na pag-ulan ang ma­raranasan sa Kalinga, Apayao, Ilocos Norte, Zambales, Bataan, Palawan, Mindoro Provinces, Antique, Iloilo at Guimaras.

Kahit na may pag­lakas si Quiel ay hindi naman ito babagsak sa lupa.

Samantala, patuloy namang uulanin ang Northern Luzon dahil sa umiiral na cold front at hanging amihan.

Hindi naman papasok sa bansa ang malakas na bagyong may international name na Halong na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.

 

PAGASA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with