Postponement ng 2020 barangay, SK elections lusot na rin sa Kamara
Sa botong 194 pabor at anim na tutol, pasado na sa Mababang Kapulungan ang House Bill 4933 na mag-uusog sa halalan sa ika-5 ng Disyembre, 2022.
The STAR/Michael Varcas, File
Postponement ng 2020 barangay, SK elections lusot na rin sa Kamara
James Relativo (Philstar.com) - November 4, 2019 - 6:24pm

MANILA, Philippines — Sa ikatlo at huling pagdinig ng Kamara, napagkaisahan ng mga mambabatas na tuluyang ipagpaliban ang halalang barangay at Sangguniang Kabataan para sa Mayo 2020.

Sa botong 194 pabor at anim na tutol, pasado na sa Mababang Kapulungan ang House Bill 4933 na mag-uusog sa halalan sa ika-5 ng Disyembre, 2022.

Setyembre ngayong 2019 nang ipasa rin ng Senado sa huling pagdinig ang kahalintulad na panukala sa pamamagitan ng Senate Bill 1043.

Dahil dito, isusumite na ng Kongreso (Kamara at Senado) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pinagsamang panukala para sa kanyang lagda bago maging batas.

Anim na beses nang naipagbaliban ang halalang baranggay simula noong 1988, dahilan para maging ika-pito na ito kung tuluyang magiging batas.

Sa pagkakataong maipatupad ito, ito na ang ikatlong beses na maipagpapaliban ito sa ilalim ng administrasyong Digong.

Kung hindi ito mapirmahan ni Duterte sa loob ng 30 araw matapos matanggap, magiging ganap itong batas.

Sa 1987 Constitution, maaari ring i-veto, o harangan, ni Duterte ang bill at ibalik ito sa pinanggalingan sa Kongreso kasama ng kanyang mga dahilan ng pagtutol.

Ang na-veto na bill ay maaari pa ring pumasa kung aaprubahan ng dalawang-katlo ng Kamara at Senado, sa pamamagitan ng hiwalay na pagboto. — may mga ulat mula sa News5

BARANGAY ELECTIONS HOUSE OF REPRESENTATIVES SANGGUNIANG KABATAAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with