Ayon sa BAI, ilang samples ng skinless longganisa at hotdog mula sa planta ng kumpanya ang nakakitaan ng sakit matapos ang dalawang validation tests na isinagawa sa hiling na rin ng manufacturer.
The STAR/Michael Varcas
Kumpirmado: Mekeni products nag-positibo sa African swine fever
James Relativo (Philstar.com) - November 4, 2019 - 11:26am

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry na nagpositibo ang ilang produkto ng Mekeni Food Corporation sa African swine fever, Lunes.

Ayon sa BAI, ilang samples ng skinless longganisa at hotdog mula sa planta ng kumpanya ang nakakitaan ng sakit matapos ang dalawang validation tests na isinagawa sa hiling na rin ng manufacturer.

Ang resulta ay ibinahagi sa isang joint press conference na isinagawa ng Department of Agriculture at Department of Health, kasama sina DA Secretary William Dar at DOH Undersecretary Eric Domingo.

Ayon kay Domingo, sa 178 plantang may lisensyang mag-operate, 63 na ang nasuri.

Sa kabila nito, nagnegatibo naman sa ASF ang iba pang sample sa planta ng Mekeni.

Ang mga nagnegatibo sa sakit ay may mga karneng nagmula sa Canada, Estados Unidos at Pransya.

Sa ngayon, inaaral pa naman daw ng BAI kung saan kinuha ng Mekeni ang pork na ginamit sa mga produktong nagpositibo.

Noong ika-26 ng Sabado, sinabi ng Mekeni na boluntaryo nilang ipina-recall ang kanilang pork-based products sa kabila ng bali-balitang natagpuan ang sakit sa kanilang mga karne.

Ngayon pa lang direktang tinukoy ng gobyerno ang tatak na may ASF matapos paghinalaan na nagkaroon lamang ng cross contamination sa pagitan ng branded at homemade pork-based products na nasabat sa Calapan Port sa Mindoro.

Bagama't hindi nakaaapekto sa kalusugan ng tao ang ASF, matindi ang epekto nito sa mga baboy na maaaring makaapekto sa lokal na industriya ng pagkakarne.

Inilabas ang anunsyo matapos ideklara ng Cavite na binabawi na nila ang "ban" sa pagpasok at paglabas ng processed pork sa kanilang probinsya. — may mga ulat mula sa News5 at The STAR/Louise Maureen Simeon

AFRICAN SWINE FEVER BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY DEPARTMENT OF AGRICULTURE DEPARTMENT OF HEALTH MEKENI FOOD CORPORATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with