Si Pangulong Duterte sa isang family photo kasama ang mga lider mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) member countries na ginanap sa Thailand.
Territorial dispute sa South China Sea resolbahin - Digong
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - November 4, 2019 - 12:00am

Apela sa ASEAN

MANILA, Philippines — Nanawagan si Pangulong Duterte sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na talakayin na ang territorial dispute sa South China Sea dahil sa lumilikha ito ng uncertainty at instability sa mga miyembrong bansa.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang apela sa 35th ASEAN Summit plenary session sa Thailand.

Aniya, dapat maresolba na ito ng mapayapa alinsunod sa international law kabilang ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Wika pa ng Pangulo, nanalo ang Pilipinas sa arbitral case nito laban sa China kaya dapat ang ibang claimants ay mapayapang pamamaraan din ang tahakin.

“As ASEAN-China Country Coordinator, the Philippines will do its utmost part to conclude negotiations on a Code of Conduct as soon as possible,” giit pa ng Pangulo.

“Notwithstanding the lack of enthusiasm by some external partners, I believe that we in ASEAN are one in the view that an effective and substantive COC will be good for the region,’ giit pa nito.

Sabi pa ni Duterte, dapat pairalin ng ASEAN ang pagsusulong ng negosasyon at patas na pag-uusap tungo sa tagumpay.

“ASEAN must therefore remain united. We must lead the way in building trust and confidence among all stakeholders. We must use all the influence that we have, individually and collectively, to persuade parties to exercise self-restraint and avoid actions that may further complicate the situation,” paliwanag pa ni Pangulong Duterte.

SOUTH CHINA SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with