Sinabi ni Andanar, ‘fake news’ ang kumalat sa social media kung saan pineke ang front page ng October 31 issue ng Bangkok Post na nagbabala raw si Thailand King Maha Vajiralongkorn kay Pa­ngulong Duterte sa pagdalo sa 35th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Bangkok.
Ace Morandante/Presidential Photo
Probe sa fake news vs Duterte hingi sa NBI
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - November 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hiniling kahapon ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang nasa likod ng pagpapakalat ng fake news na binalaan daw ng Hari ng Thailand si Pangulong Duterte na maging ‘behave’ sa pagdalo sa ASEAN Summit.

Sinabi ni Andanar, ‘fake news’ ang kumalat sa social media kung saan pineke ang front page ng October 31 issue ng Bangkok Post na nagbabala raw si Thailand King Maha Vajiralongkorn kay Pa­ngulong Duterte sa pagdalo sa 35th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Bangkok.

Wika ni Andanar, pineke ang front page ng pahayagan kung saan nakalagay ang umano’y artikulo na “King orders PH Duterte, behave during ASEAN summit.”

“Meron pong mga malisyoso na gumawa ng fake news na nakalagay dito na ay pinagsabihan daw ng hari si Presidente Duterte na mag-behave. Kitang kita naman dito na iba po yung nakasulat,” sabi ng PCOO chief.

“Alam n’yo kapag gumawa kayo ng fake news na ganyan, na ginagamit ninyo ang pangalan ng hari dito sa Bangkok, Thailand, puwede kayong makulong ng labing limang taon dahil sa kanilang “lese majeste law” na kapag binastos niyo ang revered na hari ay diretso kayo sa loob ng kulungan, kaya sana ’wag tayo gumawa ng ganung klaseng fake news. nakakasira po yan ng bilateral relations ng dalawang bansa,” dagdag pa ni Andanar.

Binatikos din ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang paninirang ito sa Pangulo at dapat maparusahan ang gumawa ng naturang fake news.

DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with