Ayon sa PAGASA, ang LPA ay nakakaapekto sa ITCZ na nasa may 135 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte habang ang isang LPA na apektado rin ng ITCZ ay nasa layong 185 kilometro kanluran ng Dipolog City, Zamboanga del Norte.
PAGASA
2 LPA magpapaulan
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mga pag-uulan sa buong Metro Manila at ibang bahagi ng ating bansa dahil sa dalawang low-pressure areas (LPAs) at intertropical convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto sa bansa.

Ayon sa PAGASA, ang LPA ay nakakaapekto sa ITCZ na nasa may 135 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte habang ang isang LPA na apektado rin ng ITCZ ay nasa layong 185 kilometro kanluran ng  Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Apektado naman ng hanging amihan ang Northern Luzon.

Dahil sa naturang mga weather disturbances, magkakaroon ng kalat-kalat na pag-ulan sa buong Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.

Maulan din sa Ilocos Region, Cordillera Admi­nistrative Region at Cagayan Valley dahil sa amihan samantalang makakaranas din ng pag-ulan sa nalalabing bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorm.

Ang dalawang LPA ay hindi naman kinakikitaan na magiging ganap na bagyo.

 

PAGASA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with