^

Bansa

3 mag-aaral pinarangalan ng BPI-DOST Science Awards

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binigyang parangal ng BPI-DOST Science Awards ang tatlong estudyante mula sa Xavier University-Ateneo de Cagayan dahil sa kanilang scientific researches at innovations na susuporta sa global sustainable development goals.

Ang nasabing prestigious awards program, ay nasa ika-30 taon na kumikilala sa mga kabataang Filipino undergraduate students na mahusay sa basic at applied science.

Sinabi ni BPI Foundation Executive Director Maricris San Diego na sa pamamagitan ng BPI-DOST Science award ay magbibigay ito ng inspirasyon sa iba pang kabataang Pinoy para isulong ang scientific researches at innovation para magbigay kontribusoyn sa pagpapalakas at sustainable future sa lahat.

Kabilang sa top 10 awardees na may promising researches ay sina Marc Anthony B. Reyes and Marvin Serge G. Fuentes, kapwa BS Computer Science students mula sa Xavier Ateneo.

Sa annual research competition iprinisinta ni Reyes ang kanyang pag-aaral na may titulong “A Mobile Application Using Convolutional Neural Networks for Detecting Rice Plant Diseases and Pests.” Kung saan nagdevelop siya ng isang mobile app na tinawag na PalayLab na tumutulong sa mga magsasaka para ma-detect ang mga peste at sakit sa palay.

Habang si Fuentes ay naka-focused sa “Develo­ping a Rule-Based Chatbot to Classify the Severity of Depression Using Decision Trees” na gumagamit ng isang natural language processing engine para i-detect ang lebel ng depression ng isang tao.

BPI-DOST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with