^
Duterte nagbanta vs water crisis
Sinabi kahapon ni Panelo na ang kabiguang malutas ang kakapusan sa tubig ay mag-uudyok kay Pangulong Duterte na gumawa ng marahas na hakbang laban sa mga water concessionaires.
Miguel De Guzman

Duterte nagbanta vs water crisis

Rudy Andal, Malou Escudero, Gemma A. Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Nagbanta kahapon ang Malacañang na ga­gawa ng marahas na hak­bang si Pangulong Rodrigo Duterte kapag hindi nalutas ng mga water concessionaires ang panibagong banta ng water shortage sa Metro Manila, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Sinabi kahapon ni Panelo na ang kabiguang malutas ang kakapusan sa tubig ay mag-uudyok kay Pangulong Duterte na gumawa ng marahas na hakbang laban sa mga water concessionaires. 

Umaasa din ang Ma­lacañang na ginagawa din ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang tra­baho nito upang maiwasang maulit ang nangyaring water crisis sa Metro Manila.

Inaasahan namang ipapatawag ni Sen. Imee Marcos sa Senado ang mga may-ari ng Maynilad at Manila Water upang pagpaliwanagin sa  nangyayaring water crisis sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Tinatayang  nasa 15-milyong kustomer ng Maynilad at Manila Water ang apektado ngayon ng water shortage.

Kaugnay nito, hiningi ni Marcos ang komprehensibong master plan ng Maynilad at Manila Water para masolusyunan ang nararanasang water shortage sa Metro Manila at mga karatig probinsya.

Ayon kay Marcos, bigo ang dalawang water concessionaires na maglatag ng plano para naagapan ang krisis sa tubig na nagsimula nitong October 24.

Ipinunto ni Marcos na hindi dapat umaasa lang sa buhos ng ulan sa dam ang dalawang concessionaires dahil tiyak na mas malala pa ang mararanasang problema sa tubig kapag sumapit na ang tag-init sa taong 2020.

“Hindi pa naman summer bakit may water shortage na? Nasaan ang plano ng Maynilad at Manila Water sa nangyaya­ring water crisis?” tanong ni Marcos.

Samantala, sinabi kahapon ni Buhay Rep. Lito Atienza na, dahil malaki umano ang kita ng dalawang water concessionaires sa bansa, kaya hindi na ito dapat magpatupad pa ng panibagong dagdag singil sa tubig.

Giit ni Atienza, uma­abot sa P138 bilyon ang kita ng Maynilad at Manila water mula 2006 hanggang 2019.

Dahil dito, giit ni Atien­za hindi na dapat magpa­tupad ng water rate increase ang dalawang water concessionaires lalo na ang bantang 780% na dagdag singil sa tubig na ikinakatwiran na para sa pagtatayo ng sewerage at wastewater treatment facility.

WATER CRISIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with