P84 Milyon pinalabas ng SSS bilang unemployment benefit
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — May mahigit sa P84 milyon halaga ng unemployment benefits  ang naipalabas ng Social Security System para sa may 6,907 active paying members ng SSS na  boluntaryong umalis sa trabaho.

 Ang benepisyo ay naipagkaloob sa unang dalawang buwan ng implementasyon ng Republic Act 11199 o ng  Social Security Act of 2018.

Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio na, para ma-qualify sa unemployment benefit, ang miyembro  ay dapat hindi aabot ng 60 years old sa panahon ng involuntary separation pero ang mga mineworkers, racehorse jockey members ay dapat hindi lalampas sa 50 at 55 years old para makakuha ng benepisyo at dapat ang  member-applicant ay dapat na may  36 monthly contributions sa SSS.

 Anya, ang mga SSS members na maaaring magbenepisyo dito ay kasama ang mga nagkakabit ng labor-saving devices, redundancy, retrenchment, closure o cessation ng operasyon, may sakit o anu­mang karamdaman na hindi na maaari pa itong magtrabaho.

SOCIAL SECURITY SYSTEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with