Universal Health Care kulang sa budget
MANILA, Philippines — Kulang ang pondo ng Philippine Insurance Health Corporation (PhilHealth) para maipatupad ang Universal Health Care Law sa taong 2020.
Sinabi ni PhilHealth President at CEO Ricardo Morales na handa na ang ahensiya para sa full implementation ng batas sa susunod na taon pero kulang naman ang kanilang budget para maipatupad ito.
Ayon kay Morales, ang proposed budget ng PhilHealth ay P153 bilyon pero ang inisyal na naaaprubahan pa lamang ng Kongreso ay P92 bilyon.
Gayunman, tuloy anya ang implementasyon ng Universal Health Care sa 2020 at kung hindi na madaragdagan ang pondo ay tiniyak pa rin nito na hindi naman mababawasan ang ayudang laan para sa mga “indigent” na umaasa sa PhilHealth.
- Latest