Publiko hanga sa House - SWS
(Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hayag na sinusu­bay­bayan ng mga Pili­pino ang kanilang mga mambabatas at ito’y makikita sa resulta ng pinakahuling Social Weather Station (SWS) survey na nagbigay sa House of Representatives, sa ilalim ng pamumuno nina Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Martin Romualdez, ng “+49 percent net approval rating.”

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means committee, ang naturang mataas na iskor ay malinaw na pahiwatig ng paghanga ng publiko sa mahuhusay na mga nagawa ng mababang kapulungan ng Kongreso sa loob ng kulang sa tatlong buwan.

Sa survey ng SWS, 64% ng mga Pilipino ay umapruba sa pamumuno ni Cayetano habang 14% naman ang hindi katig kaya ‘net 49%’ ang naging iskor, na pinakamataas sa kasaysayan ng Kamara, na katulad din ng resulta ng naunang survey ng Pulse Asia. Saklaw ng dalawang survey ang ‘third quarter’ ng taon na unang tatlong buwan naman ng Kamara sa ilalim ng bagong pamunuan nito.

Kasama sa mata­gum­pay na nagampa­nan ng Kamara ang 2020 General Appropriations Act at ang pagpapatibay sa ilang mahahalagang repor­mang batas sa pana­nalapi gaya ng “Alcohol and Vape tax, Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act (CITIRA), Passive Income and Financial Intermediary Tax Act (PIFITA), Retail Trade Liberalization Act.”

Ayon kay Salceda, kasalukuyang tinututukan at binubusisi ng Kamara ang ilang mahahala­gang panukalang batas kasama ang paglikha ng Department of Disaster Resilience, Department of Overseas Filipino Workers at Department of Water Resources.

HOUSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with