Relokasyon ng mga nasunugan pinabibilisan

(Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Nanawagan sa mga ahensiya ng gobyerno, partikular sa National Housing Authority (NHA), si Sen. Bong Go na bilisan ang pagtatayo ng bahay na malilipatan ng mga pamilyang nasusunugan upang agad silang makabangon sa bangungot ng trahedya.  

Binisita at namahagi ng tulong si Sen. Go sa mga nasunugan noong Oktubre 18 sa Fishport Market 3 sa Barangay North Bay Boulevard South (NBBS), Navotas City. Isa ang iniulat na namatay at umaabot sa 200 bahay ang naabo sa nasabing sunog.

“Kapag ganitong kailangang matugunan ang problema ninyo, pupuntahan ko kayo kahit anong oras po,” ani Go.

Nangako ang senador na siya na ang bahala sa uniporme at school supplies ng mga naapektuhang kabataan para agad silang makapasok sa eskuwela. Nag-alok din siya sa mga nais bumalik o umuwi sa kani-kanilang pamilya na sasagutin niya ang pamasahe ng mga ito.

Hiniling naman ni Go sa NHA na bilisan ang pagbibigay ng relokasyon sa mga biktima ng sunog.

NATIONAL HOUSING AUTHORITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with