Ayon kay Sen. Go, “muscle spasms” o pa­nanakit lang ng kalamnan ang naranasang matin­ding sakit sa gulugod ng Pangulo habang nasa Japan ito.
King Rodriguez/Presidential Photo
Spinal pain ni Duterte, ‘muscle spasm’ lang
Rudy Andal, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Siniguro ni Sen. Bong Go na walang dapat ipag-alala ang publiko sa kalagayan ni Pangulong Duterte matapos magpa-check up kahapon sa doktor.

Ayon kay Sen. Go, “muscle spasms” o pa­nanakit lang ng kalamnan ang naranasang matin­ding sakit sa gulugod ng Pangulo habang nasa Japan ito.

Sinabi ni Go na pinayuhan lamang ng doktor ang Pangulo na magpahinga ng 2-3 araw at binigyan ng pain reliever.

Sumailalim din sa MRI ang Pangulo at wala namang nakitang pro­blema sa kanyang spinal column.

“Ako na po ang mag-aassure sa inyo, nothing to worry, purely muscle spasms po ’yun at kaila­ngan lang po ng pahinga ng ating Pangulo,” dagdag ni Sen. Go.

Tumanggi naman si Go na sabihin kung sinong doktor at saang ospital nagpa-checkup ang Pangulo. 

Magugunita na tinapos agad ng Pangulo ang Japan visit nito at umuwi na ng bansa dahil sa hindi matiis na pana­nakit ng likod bunga ng pagsemplang niya sa motorsiklo noong nakaraang Linggo.

Gumamit ng tungkod ang Pangulo ng dumalo ito sa enthronement ce­remony ni Emperor Naruhito sa Imperial Palace kamakalawa.

Mula sa airport ay agad ding tumuloy sa burol ni dating Sen. Aqui­lino “Nene” Pimentel Jr. ang Pangulo upang makiramay.

Hindi naman umano kailangan ng Pangulo ang total bed rest at mabilis pa itong maglakad sa burol ni Pimentel.

DUTERTE SPINAL PAIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with