Sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang opisyal sa nangyaring balasahan sa 21 senior officers sa gitna na rin ng kontrobersiya ng “ninja cops”.
Boy Santos
Ilang Philippine National Police officials dismayado sa revamp
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Dismayado ang ilang opisyal ng Philippine National Police sa ipinatupad na malawakang revamp ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa.

Sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang opisyal sa nangyaring balasahan sa 21 senior officers sa gitna na rin ng kontrobersiya ng “ninja cops”.

Pero ayon kay Banac ang ginawang pagbalasa ni OIC PNP chief Gamboa ay bahagi lamang ng career movement at hindi naman permanente ang kanilang pinaglipatang posisyon.

Pagtiyak pa ng opisyal na hindi demotion ang isinagawang palitan ng puwesto sa ilang senior officials sa PNP.

Una nang sinabi ni Gamboa na may tatlong buwang ebalwasyon ang mga binalasang opisyal sa kanilang mga bagong puwesto.

Naging dahilan naman ito para kuwestyunin ang ginawang aksyon ni Gamboa ng ilang opisyal ng PNP dahil sa OIC lang naman ito.

Una nang sinuportahan ng DILG ang ginawang revamp ni Gamboa kasabay sa pagsasabi na may full authority ito mula sa NAPOLCOM.

Nabatid na may kumakalat na white paper mula sa nagpakilalang opisyal ng PNP na dismayado sila kay Gamboa dahil ang mga bata umano nito ay inilagay sa magagandang puwesto at ang iba naman ay hindi naapektuhan ng revamp.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with