Dahil dito, binatikos ng Power for People Coalition (P4P) si Cusi sa ginawang ‘mixed message’ na idineliber ni Pangulong Duterte tungkol sa karbon sa isinagawang speech sa ‘switch-on celebration’ ng San Buenaventura 500-megawatt Supercritical coal-fired power plant nitong Miyerkules.
File
Duterte nililito sa karbon ng Department of Energy
(Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Tila panlilito umano ang ginagawang iba’t ibang pahayag ni Department of Energy (DOE) Secretary Al Cusi tungkol sa ‘coal’ o ‘karbon.’

Dahil dito, binatikos ng Power for People Coalition (P4P) si Cusi sa ginawang ‘mixed message’  na idineliber ni Pangulong Duterte tungkol sa karbon sa isinagawang speech sa ‘switch-on celebration’ ng San Buenaventura 500-megawatt Supercritical coal-fired power plant nitong Miyerkules.

Gayunman, muling ipinangako ni Pangulong Duterte ang pagpapanatili ng ‘renewable energy’ (RE) sa bansa kahit na pinangunahan pa nito ang selebrasyon ng pagbubukas ng isa na namang ‘coal-fired power plant.’

Ayon kay Gerry Arances, convenor ng P4P,  ang kautusan ng Pangulo ay binabalewala at sinisira umano ng mga maling payo ni Cusi, na iginigiit at pinaninindigan ang “technology neutral” na magpapaunlad umano ng bagong pagkukukunan ng enerhiya sa bansa.

Idiniin pa ng convenor ng P4P na una nang naranasan ang ‘power crisis’ sa bansa bago maghalalan at ito ay dahil sa  ‘coal power plants breaking down’ at  nangailangan na makapag-produce ng enerhiya para sa idineklarang kapasidad.

Aniya, ang karbon ay mas mahal kesa sa rene­wable energy, at ang gastos ay pinagbabagu-bago sa foreign exchange, na ipinapasa agad ang bayarin sa mga konsyumer.

DOE DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with