Lifestyle check kinasahan ng 3 PNP chief contenders
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Handang sumalang sa lifestyle check ang tatlong kandidato sa pagka-hepe ng Philippine National Police para maipakita umano sa publiko na malinis sila sakaling mapili ng Pangulo bilang kapalit ni dating PNP chief Gen. Oscar Albayalde.

“So whatever the suggestions of the public on how the President should choose the next Chief PNP I suggest we respect the President should he include lifestyle or any other kind of vetting, I suggest and I fully recommend that we leave it up to the Office of the President who is mandated by law to choose the next Chief PNP,” pahayag ni PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa.

Payag din sina PNP Deputy Chief for Admi­nistration Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan at PNP Directorial Staff Chief Major Gen. Guillermo Eleazar na sumalang sa lifestyle check ng walang pag-aalinlangan kung ito’y bahagi ng proseso.

Una rito, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na magandang ideya kung isasalang sa lifestyle check ang mga matataas na opisyal kabilang ang mga contenders sa PNP chief sa gitna na rin ng kontrobersyal na isyu ng ninja cops.

Kasama rin sa pinasisilip ang kanilang records simula nang pumasok sa pambansang pulisya at kung may kinasangkutang mga kaso.

Sa ganitong paraan ay makikita na umano kaagad ng Pangulo kung sino ang karapat-dapat sa kanyang mga pagpipilian.

Maiiwasan ding maulit ang kagaya ng nangyari kay Albayalde na huli na ng nakitaan ng isyu at nakaapekto na sa imahe ng PNP.

PNP CHIEF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with