Kuha ni ex-PNP chief Pol. Gen. Oscar Albayalde.
The STAR/Edd Gumban, File
Kaso vs Albayalde 'mahina,' ani Magalong
James Relativo (Philstar.com) - October 23, 2019 - 2:27pm

MANILA, Philippines — Bagama't ikinatutuwa ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang paghahain ng reklamo laban kay dating Philippine National Police chief Oscar Albayalde, naniniwala siyang tila minadali ito at maaaring maibasura sa pagiging "mahina."

Sa panayam ng CNN Philippines kay Magalong, na dating director ng Criminal Investigation and Detection Group, sinabi niyang dapat mag-ingat pagdating sa mabilis na pagsasampa ng reklamo kay Albayalde.

"Suspetya ko mahina ang kaso dahil sa karanasan ko, hindi mabilis mag-develop ng case," sabi niya sa Inggles.

"Medyo maingat ako riyan."

Una nang pinakasuhan nitong Lunes ng CIDG sina Albayalde at iba pang mga pulis na iniuugnay sa kalakalan ng droga.

Pinagmulan ng isyu

Nagmula ang reklamo mula sa isang drug raid noong 2013 sa Pampanga kung saan ni-"recycle" diumano ng mga pulis ang nakumpiskang shabu na noo'y nagkakahalaga ng P650 milyon.

Si Albayalde ang provincial police director ng Pampanga noong nangyari ito.

Matatandaang ibinulgar ni Magalong na prinotektahan daw ng dating PNP chief ang kanyang mga tauhan, na ngayo'y binansagang "ninja cops," mula sa pagkakadismiss at nakialam daw siya upang demotion na lang ang ipataw sa kanila.

Maliban kay Magalong, inilaglag na rin ni retired Police General Rudy Lacadin at Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino si Albayalde.

Si Aquino ay PNP Central Luzon chief noon.

Sa pagbabahagi ni Sen. Richard Gordon ng ulat ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Biyernes, sinabi niyang pinagtakpan ni Albayalde ang operasyon at totoong "hulidap" ang ginawa ng 13 ninja cops.

"Imposibleng hindi nya alam yan. Sino bang in-charge sa Pampanga? Kanino ba tao si Baloyo?" sabi ng senador.

Matatandaang bumaba sa pagiging hepe ng PNP si Albayalde sa kalagitnaan ng kontrobersiya.

Sa kabila nito, nananatili si Albayalde na inosente siya sa mga paratang.

Kaso dapat patatagin

Dagdag pa ni Magalong, makabubuti na mas palakasin pa ang reklamo laban sa dating pinuno ng PNP.

"Pwede mong ma-convict ang isang tao kahit na circumstantial pieces of evidence lang ang meron ka basta ma-establish mong may 'unbroken chain of event,'" sabi pa ng dating pinuno ng CIDG.

"Maliban dito, dapat ay swak ang mga circumstantial evidence mo sa isa't isa." — may mga ulat mula kay Ian Nicolas Cigaral

BENJAMIN MAGALONG NINJA COPS OSCAR ALBAYALDE PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with