Si Pangulong Duterte kasama ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Sen. Bong Go habang naghahanda patungo sa Imperial Palace sa Tokyo, Japan para sa enthronement ceremony ni Emperor Naruhito.
Matinding sakit sa likod ininda ni Duterte
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2019 - 12:00am

Japan trip ‘di tinapos

MANILA,Philippines — Dahil sa nararamdamang matinding sakit ng likod bunga ng aksidente sa motorsiklo, nagpasya si Pangulong Duterte na tapusin ng maaga ang kanyang working visit sa Japan kung saan ito dumalo sa enthronement ceremony ni Japanese Emperor Naruhito, kahapon.

”The Palace announces that the President will cut short his trip to Japan due to unbearable pain in his spinal column near the pelvic bone as a consequence of his fall during his motorcycle ride last Thursday, October 17,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Magugunita na naaksidente noong Miyerkoles ang Pangulo habang nagmomotorsiklo sa loob ng Malacañang compound.

Nagtamo ng galos sa siko at tuhod ang Pangulo, at bahagyang sumakit ang kaniyang balakang kasunod ng aksidente.

Ayon kay Panelo, agad magpapakonsulta si Pangulong Duterte sa kanyang neurologist.

Hindi na dadalo sa Emperors banquet at Prime Minister banquet ang Pangulo dahil dito.

‘The Chief Executive will thus have to miss the Emperor’s banquet this evening at the Imperial Palace and has requested Mayor Sara Duterte to represent him and attend on his behalf,” dagdag ni Panelo. 

Sa pagdalo sa enthronement ceremonies, gumamit si Pangulong Duterte ng tungkod para tulungan ito sa kanyang paglalakad.

Tiniyak naman ni Panelo na walang dapat ikabahala sa kalusugan at kondisyon ni Pangulong Duterte at prayoridad pa rin ang pagsisilbi sa bayan.

DUTERTE RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with