Nakasaad sa utos ni Ombudsman Samuel Martires na si Vitriolo ay napatunayang guilty sa simple misconduct kaugnay ng reklamong naisampa sa kanya ni dating CHED chairperson Patricia Licuanan.
File
CHED official sinuspinde ng Ombudsman
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Sinuspinde ng Ombudsman ng tatlong buwan na walang sahod si Commission on Higher Education (CHED) Exe­cutive Director Julito Vitriolo.

Nakasaad sa utos ni Ombudsman Samuel Martires na si Vitriolo ay napatunayang guilty sa simple misconduct kaugnay ng reklamong naisampa sa kanya ni dating CHED chairperson Patricia Licuanan.

Inakusahan si Vitriolo na nagpalabas ng isang memorandum na nagrerekomenda sa CHED Region Office na magpalabas ng isang Provisional Permit para tutulan ang aplikasyon sa komisyon ng isang private school na isang paglabag sa Commission en Banc Resolution at hindi naaayon sa policies at guidelines ng CHED.

Nilinaw ng Ombudsman na sakaling sa pag­labas ng suspension order kay Vitriolo ay wala na siya sa serbisyo, bilang penalty ay ibabalik nito sa Ombudsman ang kanyang latest salary para sa tatlong buwan o babawasin ang halaga sa kanyang retirement benefits, accrued leave credits o anumang receivable mula sa tanggapan.

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with