Ang panawagan ni Hataman ay kasunod ng hirit ni Marcos sa Korte Suprema na silipin din ang tatlong probinsya sa Mindanao na pinaniniwalaan nitong nagkaroon ng dayaan sa Vice Presidential election noong 2016.
File
Marcos protest ibasura
Gemma A. Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

Solon sa PET

MANILA,Philippines — Umapela si House Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman sa Presidential Electoral Tribunal (PET)  na ibasura na ang protesta ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Ang panawagan ni Hataman ay kasunod ng hirit ni Marcos sa Korte Suprema na silipin din  ang tatlong probinsya sa Mindanao na pinaniniwalaan nitong nagkaroon ng dayaan sa Vice Presidential election noong 2016.

Kabilang sa tatlong probinsya na pinasisilip ni Marcos sa Kataas-taasang hukuman ang mga lalawigan ng  Basilan, Maguindanao at Lanao del Sur matapos na lumabas sa resulta ng recount sa tatlong probinsya na pinili ng dating senador, ang Negros Oriental, Iloilo at Camarines Sur, na lumamang pa nang husto si Robredo.

Nanawagan si Hataman sa PET na ibasura na ang protesta ni Marcos dahil wala naman itong matibay na basehan.

Iginiit pa ng kongresista ng Basilan na bumoto ang kanyang mga constituents base sa kanilang konsensya at inihalal si Robredo ng marami doon dahil ito ay nangampanya ng husto, naglaan ng oras at nagkaroon ito ng magandang ugnayan sa mga taga Bangsamoro.

Habang si Marcos naman ay hindi naman nagtungo at hindi rin nangampanya sa ilang lugar sa Mindanao at sa ARMM.

PRESIDENTIAL ELECTORAL TRIBUNAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with