UP-Visayas students binira ng Malakanyang
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Binatikos ng Malacañang ang mga estud­yante ng University of the Philippines-Visayas dahil sa kanilang viral video na ipinapanawagang patayin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na mayroong limitasyon ang freedom of expression kahit kinikilala ito ng Palasyo.

Wika pa ni Nograles, ang ipinagsigawan ng mga estudyante ng UP Visayas na “kill this President charot” ay lampas na sa limitasyon kahit sinasabing pabiro ito.

Aniya, dapat maging maingat sa mga sinasabi kasi hindi naman basta-basta puwedeng magsabi ng “kill this President”.

Para naman kay Pre­sidential Spokesman Salvador Panelo, may freedom of expression tayo at baka nagbibiro lamang ang mga estudyante sa kanilang sinasabi.

RODRIGO DUTERTE UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES-VISAYAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with