Ginawa ang pagba­lasa bago pa man ma­ita­laga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong hepe ng PNP.
File
Major revamp sa PNP ipinatupad
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Nagpatupad ng ma­lawakang balasahan ang pamunuan ng Philippine National Police kahapon kasunod na rin ng pagkadismaya ni Pangulong Duterte sa nangyaring gusot sa PNP kamakailan.

Ginawa ang pagba­lasa bago pa man ma­ita­laga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong hepe ng PNP.

Nauna rito, nagsu­mite ng kahilingan at naaprubahan sa National Police Commission si PNP Officer-in-Charge Archie Gamboa para sa major revamp.

Bilang OIC, limitado lang ang kapangya­rihan ni Gamboa sa galaw ng mga tauhan ng PNP pero ngayong pinayagan siya ng Napolcom ay maaari na siyang gumawa ng mga pagbabago.

Si Police Brig. Gen. Joel Coronel, dating director of Central Luzon Police, ang bagong hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Pinalitan niya si Police Major Gen. Amador Corpus na bago namang director ng doctrine development.

Bagong hepe ng Drug Enforcement Group si Police Col. Romeo Caramat habang si Col. Ronald Lee ang hepe na ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group.

Si Manila Police District (MPD) chief Brig. Gen. Vicente Danao ang bagong director ng Calabarzon Police. Pinalitan niya si Police Brig. Gen. Edward Carranza na ngayon ay Logistics Support Service Director.

Bagong hepe naman ng MPD si Police Brig. Gen Bernabe Balba habang si Police Brig. Gen. Angelito Casimiro ay itinalagang hepe ng Cagayan Valley Police.

Bago namang hepe ng Directorate for Intelligence si Police Major Gen. Mariel Magaway.

Si dating Eastern Visayas director Dionardo Carlos ang bago nang pinuno ng PNP-Highway Patrol Group. Pinalitan niya si Police Brig. Gen Eliseo Cruz na ngayon ay deputy director ng CIDG.

Itinalagang OIC si Gamboa makaraang magbitiw sa puwesto ang naunang PNP chief na si Gen. Oscar Alba­yalde.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with