Ito ang nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III matapos na kumalat sa social media na nagpatupad ng mandatory repatriation para sa OFWs bunsod ng patuloy na karahasan at protesta na banta sa seguridad ng mga Filipino sa semi-autonomous Chinese territory.
File
Walang deployment ban sa Hong Kong – DOLE
(Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Wala pang mandatory repatriation o deployment ban ng mga Filipino workers sa Hong Kong.

Ito ang nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III matapos na kumalat sa social media na nagpatupad ng mandatory repatriation para sa OFWs bunsod ng patuloy na karahasan at protesta na banta sa seguridad ng mga Filipino sa semi-autonomous Chinese territory.

Ayon kay Bello, wala pa silang natatanggap na advisory mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa alert level na basehan para sa implementasyon ng mandatory repatriation sa mga Filipino.

“Right now there is no communication from the DFA and even from the consulate of Hong Kong regarding the possibility of repatriation, either voluntary or mandatory. We are in close coordination with the DFA for any development,” ani Bello.

Maging ang labor attaché sa Hong Kong ay naglalabas ng update ?24/7 upang alam ng publiko ang sitwasyon sa HK.

Pinaalalahanan din ni Bello ang publiko na huwag magpapaniwala sa pagkalat ng fake news sa social media at sa halip ay hintayin ang advisories at news bulletin mula sa Philippine consulate at DOLE.

Dagdag pa ni Bello, wala ring OFW sa Hong Kong ang humihingi ng tulong sa kabila ng mga kaguluhan. 

Payo ng Philippine consulate sa mga Filipino migrants sa Hong Kong na manatili na lamang sa kanilang bahay at iwasang magsuot ng puti at itim na t-shirts upang hindi mapagkamalang protesters. 

Sa mga Pinoy na magbabakasyon sa HK, maaaring ipagpaliban ang kanilang biyahe para sa kanilang kapa­kanan. (Doris Franche)

DOLE HONGKONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with