^

Bansa

7 na patay sa Mindanao quake

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
7 na patay sa Mindanao quake
Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang dalawa pang nasawi ay nagmula sa bayan ng Alamada at Makilala, North Cotabato.
File

MANILA, Philippines — Pumalo na sa pito ang bilang ng mga nasawi sa 6.3 magnitude quake na tumama sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang dalawa pang nasawi ay nagmula sa bayan ng Alamada at Makilala, North Cotabato.

Ang iba pang mga namatay sa lindol ay mula naman sa Regions XI, XII at Bangsamoro Auto­nomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Kabilang sa mga ito ay dalawang bata, isa rito ay 7 anyos na batang babae na nadaganan ng pader sa Tulunan, North Cotabato at 2-taong batang babae rin sa Magsaysay, Davao del Sur na nabagsakan ng mga debris. Isa naman ang inatake sa puso bunga ng insidente.

Samantala, mayroon ding 93 sugatan mula sa tatlong nabanggit na rehiyon.

Umaabot sa 334 ang mga nawasak na bahay at istraktura, 1,365 ang partially damaged o may kabuuang pinsala na 1,699. 

Nasa 1,653 pamilya o 8,265 katao naman ang  naapektuhan ng lindol sa 52 barangay sa Region XI at XII kung saan 352 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers habang nasa 547 pa­milya o 2,673 katao ang nakituloy sa labas ng mga evacuation centers sa kanilang mga kaanak sa ibang lugar.

Samantala nasa 1,031 bahay, 269 eskuwelahan, 19 health centers, 23 pampublikong istraktura, anim na simbahan at 10 pribado at komersiyal na establi­simyento ang nagtamo ng pinsala.

Naitala naman sa 39 lugar ang nawalan ng kuryente na naibalik din ng sumunod na araw.

Bunga nito, nasa 46 lugar sa Regions XI, XII at BARMM ang nagsuspinde ng klase at trabaho noong Huwebes bunga ng matinding pinsala ng lindol.

Isinailalim na sa state of calamity ang Makilala at M’lang.

 

vuukle comment

EARTHQUAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with