Gayunman, ayon sa Pagasa, kahit lumakas si Perla, wala pa rin itong direktahang epekto sa alinmang bahagi ng bansa.
PAGASA
Perla, isa nang severe tropical storm
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lumakas ang bagyong Perla at isa nang severe tropical storm.

Gayunman, ayon sa Pagasa, kahit lumakas si Perla, wala pa rin itong direktahang epekto sa alinmang bahagi ng bansa.

Makakaranas lamang ng minsang pagsungit ng panahon sa extreme Northern Luzon hanggang sa mga unang araw ng susunod na linggo dahil sa epekto ng pagpasok ng amihan.

Kahapon ng umaga, si Perla ay namataan sa la­yong 600 kilometro silangan ng Basco, Batanes tag­lay ang lakas ng hangin na umaabot sa 95 kilometro per hour at pagbugso na aabot sa 115 kph.

Inaasahang lalabas sa bansa si Perla sa Lunes ng gabi o araw ng Martes.

Samantala, dalawa pang sama ng panahon ang binabantayan ng Pagasa, dahil inaasahan itong papasok sa karagatang sakop ng bansa sa susunod na linggo.

PAGASA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with