Magnitude 5 aftershock yumanig sa Cotabato
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakapagtala ng magnitude 5 aftershocks sa Tulunan Cotabato, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs), tectonic ang ugat ng pagyanig na may lalim na 12 kilometro.

Ang paggalaw ay bunsod pa rin ng magnitude 6.3 na lindol na tumama sa Cotabato nitong Miyerkules.

Bunga nito, naramdaman ang lakas ng pagyanig sa Intensity 4 sa Kidapawan City, Malungon, Sarangani; Koronadal City, South Cotabato at Intensity 3 sa Tupi, Koronadal City at Tampakan, South Cotabato.

Intensity  2 sa General Santos City at Davao City at Intensity I sa Kiamba, Sarangani.

Wala pang ulat ng damage kaugnay ng lindol.

Nitong Biyernes, nakapag-record ang Phivolcs ng 400 aftershocks matapos ang lindol na ang pinakamalakas ay rumehistro ng magnitude 5.5.

EARTHQUAKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with