Ayon kay Gordon, si Albayalde ang pinakamalaking isda na suma­bit sa war on drugs ni Pa­ngulong Duterte at ito ang unang pagkakataon na ang isang 4-star ge­neral at hepe pa ng PNP ay nakaladkad sa isyu ng iligal na droga.
File
Graft, drug charges vs Albayalde, ‘ninja cops’
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Inirekomenda na ni Sen. Richard Gordon na sampahan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act bukod pa sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act si da­ting PNP chief General Oscar Albayalde.

Ayon kay Gordon, si Albayalde ang pinakamalaking isda na suma­bit sa war on drugs ni Pa­ngulong Duterte at ito ang unang pagkakataon na ang isang 4-star ge­neral at hepe pa ng PNP ay nakaladkad sa isyu ng iligal na droga.

“Four star general yan. He’s the biggest fish ever!” sagot ni Gordon sa tanong kung “big fish” ba si Albayalde.

Sa partial committee report na binasa ni Gordon, nakasaad na maaring patawan ng parusang life imprisonment ang mga lumabag sa RA 9165 bukod pa sa multang mula P500,000 hanggang P10 milyon.

Sinabi rin ni Gordon na kinunsinti ni Alba­yalde ang kanyang mga dating tauhan sa Pampanga noong 2013  na tinatawag ngayong “ninja cops.”

Nakasaad pa sa executive summary ng report na nakinabang si Albayalde mula sa iligal na ginawa ng kanyang mga tauhan matapos isiwalat ni dating CIDG deputy director for operations retired Gen. Rudy Lacadin na tinawagan siya ni Albayalde at inamin na “kaunti lang naman ang napunta sa akin diyan.”

Sinabi ni Gordon na nakita nila ang mga “circumstantial connection” na pinabayaan ni Albayalde ang kanyang trabaho bilang pinuno ng mga nagkasala niyang mga tauhan.

“You have all the circumstantial connection, pinabayaan ‘yung kaso. At the very least liable siya doon, dereliction of duty…If you ask me as a lawyer and not as blue ribbon chair, it would warrant drug charges against Albayalde,” sabi ni Gordon.

Ayon pa kay Gordon, guilty si Albayalde at kanyang mga tauhan ng “malfeasance, misfeasance and nonfeasance.”

Kabilang din umano sa mga nilabag ni Albayalde ang Article 208 ng Revised Penal Code nang tawagan niya sina Lacadin at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino upang huwag ipatupad ang dismissal order na nilagdaan ni da­ting Luzon police director retired Brig. Gen. Raul Petrasanta.

Nakasaad sa report na sabit din sa RA 9165 si Baloyo at ang kanyang buy-bust team dahil hindi nila maayos na na-account ang nakumpiskang shabu.

“Baloyo and the buy-bust team conducted a sham buy bust in the house owned by Ding Wenkum,” sabi sa report.

Ang ginawang krimen nina Baloyo at kanyang mga tauhan ay may parusang habambuhay na pagkabilanggo.

Kabilang pa sa mga naging rekomendasyon ng komite ang pagpapa­lakas ng Internal Affairs Service (IAS) at ihiwalay na ito sa PNP upang ma­ging isang independent na institusyon.

Irerekomenda rin na agad na tanggalin sa serbisyo ang mga tiwa­ling pulis na kalimitang inililipat lamang ng assignment.

 

OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with