Tinanggap nina PSN Probinsya Editor Ellen Fernando Gamotea at PSN Reporter Danilo Garcia ang “Hall of Fame Best Tabloid” award ng Pilipino Star Ngayon mula kina University of Perpetual Help DALTA co-founder Daisy Moran-Tamayo, School Director Dr. Alfonso Loreto, Department of Communication Chairperson Rowena Morta at iba pang mga opisyal ng nasabing unibersidad sa katatapos na Alta Media Icon Awards 2019 sa Las Piñas City kahapon.
Kuha ni Bening Batuigas
PSN ‘Hall of Fame’ awardee, Best Tabloid sa Alta Media Awards
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pinarangalan ang Pilipino Star Ngayon (PSN) bilang “Hall of Fame” awardee makaraang tanghalin na “Best Tabloid” sa ikalimang sunod na taon ng Alta Media Icon Awards 2019.

Kinilala ang PSN bilang Best Tabloid mula pa noong taong 2015 hanggang ngayong 2019 ng pamunuan ng University of Perpetual Help System Dalta buhat sa masusing pagpili ng mga mag-aaral na Perpetualites sa mga natatanging organisasyon ng media, programa at mga personalidad sa radyo, telebisyon, print, pelikula, social media at recording.

Ngayong taon, may tema ang parangal na “PerpetualLive: The Modern Youth and the Media on Cue Towards an Active Role in National Development”, pinili ang mga pinarangalan base sa kontribusyon sa “social development” at promosyon ng mga kaugaliang Pilipino na isinunod sa pilosopiya ng Perpetualite na “Character Building is Nation Building”.

Tinanggap nina PSN provincial editor Ellen Fernando at PSN reporter Danilo Garcia ang tropeyo sa Ernesto Palanca Crisostomo Hall sa UPHSD Las Piñas Campus.

Nangako naman ang pamunuan ng PSN na ipagpapatuloy ang tapat, responsable at makabuluhang pagbabalita.

 

PSN ‘HALL OF FAME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with