Inilipat si Espenido sa Bacolod City police bilang deputy director for operations sa utos ng Pangulo upang sugpuin ang illegal drugs.
Edd Gumban/File
Duterte kay Espenido: ‘You’re free to kill everybody’
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Inutusan ni Pangu­long Duterte si Lt. Col. Jovie Espenido na ‘ubu­sin’ ang mga police sca­lawags lalo ang ‘ninja cops’ sa Bacolod City.

“Go there, you are free to kill everybody,” wika ng Pangulo noong Huwebes ng gabi sa Manila Hotel.

Inilipat si Espenido sa Bacolod City police bilang deputy director for operations sa utos ng Pangulo upang sugpuin ang illegal drugs.

“Bacolod is badly hit (by illegal drugs) now. I placed Espenido there. I said, go there, you are free to kill every­body. Start killing there. Dalawa na lang tayo pa-preso,” wika pa ng Pangulo sa 45th Philippine Business Conference & Expo.

Si Espenido ang da­ting police chief ng Albuera, Leyte ng mapatay si Mayor Rolando Espinosa Sr. noong 2016 sa loob ng selda nito matapos manlaban ng silbihan ng warrant.

Inilipat ito noong 2017 sa Ozamis City at sa ilalim ng liderato nito ay napatay si Mayor Reynaldo Parojinog at 14 na iba pa sa gina­wang raid sa bahay ng alkalde.

 

JOVIE ESPENIDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with