Base sa data ng DA, ang top 5 na bansang suppliers at nag-iimport ng bigas sa Pilipinas ay ang Thailand, Vietnam, India, China at Pakistan.
BusinessWorld
Rice importation ipinapatigil
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

Kita ng magsasaka apektado na

MANILA, Philippines – Umapela kahapon si Sen. Imee R. Marcos kay Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang itigil ang rice importation sa bansa dahil sa matinding dagok sa mga mahihirap na magsasaka.

Ito’y matapos madiskubre ni Marcos sa budget hearing ng Department of Agriculture (DA) na nakaimbak ngayon sa mga warehouse ng rice traders ang sangkatutak na imported rice na binili sa ilang rice-producing countries sa Asya.

Base sa data ng DA, ang top 5 na bansang suppliers at nag-iimport ng bigas sa Pilipinas ay ang Thailand, Vietnam, India, China at Pakistan.

Sinabi ni Marcos na lubhang naapektuhan na ang kita ng mahihirap na magsasaka dahil bumaha ng husto ang bigas matapos ipatupad ang rice tarrification law.

Nakikiusap si Marcos sa Pangulo na dapat ihinto muna ang importasyon at ipaubos na muna ang mga nakatambak na bigas hanggang sa katapusan ng Disyembre ngayong taon.

Sa ilalim ng batas, pinapahintulutan na ang importasyon ng bigas pero may kapangyarihan ang Pangulo na ipatigil ito kung nasasaga­saan na ang kita ng mga magsasaka sa bansa.

 

RICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with