Bago nagtungo sa Palasyo ang Indian president ay nag-alay muna ito ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta.
Krizjohn Rosales/File
Indian president nasa Pinas
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nag-courtesy call kahapon kay Pangulong Duterte sa Malacañang ang bumibisitang si Indian President Ram Nath Kovind na nasa bansa para sa limang araw na state visit.

Bago nagtungo sa Palasyo ang Indian president ay nag-alay muna ito ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta.

Nagkaroon ng bila­teral meeting ang 2 lider at sinaksihan nito ang paglagda sa mga kasun­duan sa pagitan ng Pilipinas at India.

Kasunod nito ang joint press statement ng dalawang lider bago pumunta sa state banquet o dinner.

Bukod sa pagbisita sa Palasyo, ay makikipag­kita ngayon ang Indian president sa liver transplant patients, ilang bene­ficiaries ng Mahaveer Philippines Foundation, at dadalo sa Philippine-India Business Conclave and 4th ASEAN-India Business Summit sa isang hotel sa Makati City.

Pagsapit ng Linggo, sasaksihan ng Indian president ang installation ng sculpture ni Mahatma Gandhi sa Miriam College at makikipagpulong sa Indian community.

INDIAN PRESIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with