Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na, kumpara sa sigarilyo mas marami ang halong nakalalasong kemikal sa e-cigarettes.
Wikimedia Commons/Lindsay Fox
DOH, WHO nagbabala vs panganib ng e-cigarettes
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Muling pinaalalahanan ng Department of Health (DOH), World Health Organization (WHO) at medical society ang publiko hinggil sa mga panganib na dulot ng paggamit ng electronic cigarettes (e-cigarettes).

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na, kumpara sa sigarilyo mas marami ang halong nakalalasong kemikal sa e-cigarettes.

Babala pa ng kalihim, mapanganib din ang e-cigarettes maging sa mga hindi gumagamit, ngunit nakakalanghap ng second-hand smoke nito. Malinaw rin aniya na hindi para sa mga bata ang e-cigarettes.

Sa US ay iniimbestigahan na ang 1,299 indibidwal na hinihinalang nagkasakit dahil sa e-cigarettes, gayundin ang pagkamatay ng 26  katao.

Dahil dito, hinikayat ni Duque ang mga kabataan, gayundin ang mga buntis, na iwasan ang paggamit ng e-cigarettes upang makaiwas sa mga sakit na dulot nito.

Sakali aniyang gumamit ng e-cigarettes at iba pang vaping products at nakakaramdam ng mga sintomas ng sakit sa respiratory system ay dapat nang kumonsulta sa doktor.

E-CIGARETTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with