^

Bansa

Pulso ng mambabatas sa divorce, death penalty idadaan sa survey

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Idadaan sa survey ng Kamara ang pulso o pana­naw ng mga mambabatas sa isinusulong na diborsyo at panunumbalik muli ng death penalty.

Ito ang inihayag kahapon ni House Speaker Alan Peter Cayetano upang alamin kung may pag-asang makapasa sa deliberasyon ng Kamara ang nasabing mga panukalang batas.

“The House will be conducting, during the break and the first week of November, a survey to ask the members of the House kung ano sa tingin nila ang divorce at ano rin ang sa palagay nila ang death penalty,” pahayag ni Cayetano.

Sa katunayan anya, hindi lamang ang divorce at death penalty bill ang mga kontrobersyal na panukalang batas na isinusulong sa Kongreso.

Ayon pa sa House Speaker, ang magiging aksyon ng  Kamara ay depende sa konsensya at babalansehin rin ang mga prayoridad ng administrasyon.

Aniya, kung ang konsensya ng mga mambabatas ay pareho lamang sa nais ng administrasyon ay wala siyang nakikitang problema.

 

vuukle comment

DEATH PENALTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with