‘Perla’ bahagyang lumakas
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Napanatili ng bagyong Perla ang kanyang lakas habang patuloy na kumikilos pakanlurang bahagi ng bansa.

Alas-11 ng umaga kahapon, si Perla ay namataan ng PAGASA sa layong 860 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 46 kph at pagbugso na aabot sa 55 kph.

Bagamat wala pa itong direktahang epekto sa bansa, magdadala naman ito ng kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands at Apayao mula sa araw ng Sabado at Linggo.

Sa Sabado, ang bagyo ay nasa layong 315 km silangan ng Calayan, Cagayan at sa Linggo ay nasa layong 40 km sila­ngan ng Aparri, Cagayan.

PERLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with